GERONA, Tarlac – Kalaboso ang isang 31-anyos na lalaki matapos niya umanong gapangin sa kuwarto at tinangkang halayin ang isang ginang, na masuwerteng nakatakas sa Barangay Dicolor, Gerona, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Kaagad namang naaresto si Dennis Gamasa, ng Bgy. Colibangbang, Paniqui, sa umano’y tangkang panggagahasa sa isang 29-anyos na ginang.

Sa report ni PO3 Levy Santos, dakong 1:20 ng umaga at natutulog ang ginang sa kanyang silid nang magising siya sa pangmomolestiya ng suspek, na mabilis niyang natakasan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog