Nagpakamatay umano ang isang 51-anyos na Canadian sa isang hotel sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Nakabigti at wala nang buhay nang madiskubre si Mark Timothy Miller sa loob ng banyo ng isang hotel sa Orchard Road, Eastwood City, Barangay Bagumbayan, bandang 4:45 ng hapon.

Naiulat na nag-iwan umano si Miller ng note sa hotel staff para tuluyang madiskubre ang kanyang bangkay, sinabi ng pulis kahapon.

Ayon kay Agatha Rebadulla, manager ng hotel, napilitan silang silipin sa kuwarto si Miller dahil umano nito sinasagot ang tawag ng housekeeper na nakatakdang maglinis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinamahan umano si Rebadulla ng isang security officer nang matagpuan nila ang isang note sa loob ng kuwarto nito na nagsasabing, “Please be advised my body is in the bathroom.”

Upang makumpirma, agad nagpunta ang mga empleyado ng hotel sa banyo at natagpuan ang hubo’t hubad na si Miller habang nakabigti gamit ang cable wire.

Agad nila itong ini-report sa awtoridad na patuloy sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

(Vanne Elaine P. Terrazola)