KAYE CAL copy

GRABE, Bossing DMB, sa lahat ng album launching na kinoberan natin, dito kay Kaye Cal kami nakatanggap ng sangkaterbang pasasalamat mula sa mga tagahanga niya sa Twitter at ilang beses nilang ni-retweet ang item dito sa Balita.

Ang dami-dami palang supporters nitong si Kaye Cal considering na first album pa lang niya ito sa Star Music. Kaya pala nu’ng tanungin namin siya sa launching kung sino ang inspirasyon niya sa pagsusulat ng kanta ay kaagad niyang binanggit na ang Team Kaye at ang supporters niya -- sila raw ang talagang nag-push sa kanya para magkaroon na ng album at ituloy ang pangarap niya sa music industry.

Kaya hindi na kami magtataka kung kahit wala pang isang buwan ay makatanggap na ng Gold Record award ang self-titled album ni Kaye.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang speaking of the album, nagustuhan namin ito dahil type namin ang music, easy listening, kaya lagi naming pinapatugtog. Instant favorite namin ang version niya ng Ikaw Lang na orihinal ni Chad Borja, Why Can’t It Be ni Rannie Raymundo at Give Me A Chance ni Ric Segreto.

Pero ang pinakapaborito namin ay ang Kung Ako Na Lang Sana na version nilang tatlo nina Michael Pangilinan at Maya dahil napakaganda ng blending na may pagka-RnB, pop at ballad. Walang sapawang nangyari.

Sa mga original na awiting sinulat ni Kaye, gustung-gusto namin ang Mahal Ba Ako ng Mahal Ko at Nyebe na naririnig na rin namin sa FM radio stations.

Tulad nina Charice at Aiza Seguerra, sana ay lumaki pa ang pangalan ni Kaye Cal showbiz at umabot ang career niya maging sa ibang bansa dahil tulad ng dalawa ay tiyak na malaki rin ang maiko-contribute niya sa music industry.

(REGGEE BONOAN)