NAPAKAGUWAPONG tindero ng bigas daw ni Jason Francisco, ayon mismo sa followers niya sa Facebook.

Nag-post kasi ang asawa ni Melai Cantiveros nitong Huwebes ng, “Bili na kayo ng bigas mga mahal ko, bagong ani are! Wampor lang isang kabs (kaban) #riceislove #dinorado.”

Halong positibo at negatibo ang reaksiyon ng netizens na nabasa namin pero mas marami ang natuwa sa pagiging down-to-earth person ni Jason. Umabot na sa 1.8K ang likes at 167 ang shares ng kanyang post kahapon.

Ang negatibong nabasa namin, bakit walang suot na damit pang-itaas si Jason nang kunan niya ang sarili at nasa likod niya ang mga kaban ng bigas.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ano raw ba ang ibinibebenta ng aktor, ang mga bigas o ang katawan niya?

Hirit ng isa pang follower, “Buti pa si Jayson puro pa-cute alam, si Melai puro work ang alam, peace.”

Sabi naman ng mga natutuwa kay Jason, “Huy, bakit ang hot mo na?” at ‘yung iba ay nagtatanong kung saan ang puwesto ng tindahan at oorder daw sila.

Sa ngayon kasi ay walang regular show si Jason, kaya sa halip sigurong magmukmok sa bahay ay nag-isip siya ng pagkakakitaan lalo’t magdadalawa na ang anak nila ni Melai, na isa sa hosts ng Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Karla Estrada. (Reggee Bonoan)