TUMATANGGAP na ng lahok ang San Beda Basketball Camp.

Ipinahayag kahapon ni Camp Director Edmundo ‘Ato’ Badolato, itinuturing na pinakamatagumpay na high school coach sa bansa, na lalaraga ang ika-12 season ng San Beda basketball camp sa Abril 5 sa Mendiola campus, habang magsasagawa rin ng hiwalay na programa sa Taytay campus.

Bukas ang camp para sa kabataan (lalaki at babae) na may edad limang taon pataas. Pangangansiwaan ang programa, suportado ng Gatorade at Molten balls, ng mga coach ng eskwelahan.

Ang araw ng session ay tuwing Martes at Biyernes ganap na 1:00 ng tanghali hanggang 4:00 ng hapon. Maykaukulang camp registration na P4,000 kabilang na ang libreng jersey at bola. Kung nais lumahok sa magkasunod na camp sa Abril at Mayo, magbabayad na lamang ng P7,000.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan kay Oliver Quiambao sa tel. blg. 735-6011 local 2104 o sa mobile no. 0929-1971071 at maging kay Mr. Badolato sa 0908-8624543.