TARLAC CITY - Arestado ang isang 24-anyos na estudyante nang mapagtripan niyang i-video sa kanyang cell phone ang hita ng isang dalagang paakyat sa escalator ng isang shopping mall sa Barangay San Roque, Tarlac City, Lunes ng hapon.

Nasampahan na ng 19-anyos na biktimang taga-Paniqui, Tarlac, ng unjust vexation si Al Peregrino, ng Alcala, Pangasinan.

Kaagad na nakahingi ng tulong ang biktima sa isa sa mga security guard sa establisimyento makaraang mabatid ang pambi-video ng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog