Nanawagan ang mga grupong makakalikasan sa Commission on Appointment (CA) na tanggapin ang appointment ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

“We urge the CA (Commission on Appointments) to bestow upon her the task of leading and managing the DENR,” pahayag ni Aillen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.

Iginiit ng grupo na dapat bigyan ng pagkakataon si Lopez upang maisulong ang mga reporma sa DENR at upang maprotektahan ang kalikasan.

Idiniin naman ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE), na gumagawa ng paraan ang malalaking minahan para maharang ang kumpirmasyon ni Lopez. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang