Ed copy copy

TIYAK na marami ang mag-aabang sa bagong season ng Game of Thrones.

Inihayag ng producer ng palabas nitong Linggo ng gabi sa panel discussion ng South by Southwest festival sa Texas na magiging guest star nila si Ed Sheeran

Sinabi ng producer na si David Benioff sa audience na ilang taon na nilang iniimbitahan ang 26-anyos na British singer para maging bahagi ng palabas, para sorpresahin si Maisie Williams, tagahanga ni Sheeran at gumaganap bilang Arya Stark sa fantasy drama ng HBO.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ipalalabas ang ikapitong season ng Game of Thrones sa HBO sa Hulyo 16. (AP)