Nba copy copy

SAN ANTONIO (AP) — Nanaig ang bench ng Spurs laban sa karibal na Golden State Warriors, 107-85, nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa duwelo ng naghaharing koponan sa Western Conference.

Sa larong wala ang mga star player at starter sa magkabilang kampo, nanaig ang Spurs para makuha ang half-game na bentahe sa Warriors para sa No.1 spot sa West playoff.

Walang katiyakan ang pagbabalik-aksiyon ni Kevin Durant dahil sa injury sa kaliwang tuhod, habang nagdesisyon si coach Steve Kerr na ipahinga sina Stephen Curry, Klay Thompson, Draymond Green at Andre Iguodala.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi naman nakalaro sa Spurs si Kawhi Leonard batay sa ‘concussion protocol’, habang injury din sina Tony Parker at Dejounte Murray, at naidagdag si LaMarcus Aldridge bunsod ng ‘minor heart arrhythmia’. Sumailalim siya sa serye ng pagsusuri kahapon.

Nanguna si Ian Clark sa naitalang career-high 36 puntos para sa Golden State, nabigo sa kauna-unahang pagkakataon ng tatlong sunod sa huling pitong laro.

HEAT 104, RAPTORS 89

Sa Miami, ginapi ni Heat, sa pangunguna nina Dion Waiters na may 20 puntos at Tyler Johnson na tumipa ng 16, ang Toronto Raptors.

Nag-ambag si Goran Dragic ng 15 puntos at kumubra si Hassan Whiteside ng 12 puntos at 14 rebound para sa Miami.

Hataw si DeMar DeRozan sa naiskor na 17 puntos para sa Raptors.

THUNDER 112, JAZZ 104

Sa Oklahoma City, naitala ni Russell Westbrook ang ika-32 triple-double ngayong season – 33 puntos, 14 assist at 11 rebound – sa panalo ng Thunder kontra Utah Jazz.

Nalagpasan ni Westbrook ang record 31 ni Wilt Chamberlain (1967-68) season, at target na pantayan o malagpasan ang nagawang 41 ni Oscar Robertson noong 1961-62 season.

Kumabig si Victor Oladipo ng 22 puntos para sa ikatlong panalo sa apat na laro ng Thunder kontra Jazz.

PELICANS 125, HORNETS 122, OT

Sa Charlotte, nagawang magwagi ng New Orleans Pelicans kontra Hornets na wala si DeMarcus Cousins sa krusyal na sandali.

Ratsada si Anthony Davis sa naiskor na 46 puntos at 21 rebound para sa Pelicans.

Kumana si Jordan Crawford ng 19 puntos at tumipa si Jrue Holiday ng 15 puntos at 13 assist sa Pelicans umusad sa 3-6 mula nang makuha si Cousins sa trade.

Sa iba pang laro, pinulbos ng Cleveland Cavaliers ang Orlando Magic, 116-104; ginapi ng Milwaukee Bucks ang Minnesotta Timberwolves, 102-95; hiniritan ng Los Angeles Clippers ang Philadelphia Sixers, 112-100; at diniskaril ng Detroit Pistons ang new York Knicks, 112-92;