Laro Ngayon

(Rizal Memorial Stadium)

3 n.h. -- FEU vs NU

5 n.h. -- ADMU vs UP

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

HAHARAPIN ng Ateneo ang defending champion University of the Philippines, habang mapapalaban ang Far Eastern University sa National University sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 79 men’s football tournament ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Magbabalik aksiyon si Jarvey Gayoso mula sa isang larong suspensyon sa pakikipagtuos ng Blue Eagles sa Fighting Maroons ganap na 5:00 ng hapon.

Nakatakda naman ang sagupaan ng Tamaraws at Bulldogs, galing sa three-game winning streak, sa 3:00 ng hapon.

Naitala ng Ateneo ang anim na sunod na panalo bago ang scoreless draw sa FEU sa pagtatapos ng first round elimination para makopo ang kabuung 19 puntos.

Galing din ang UP sa 2-1 panako kontra Adamson University para makopo ang 14 puntos at maipalagay na matikas ang pakikipagharap sa Ateneo.