LIPA CITY, Batangas – Naaresto sa mismong himpilan ng pulisya ang isang lalaking wanted sa kasong rape makaraang makita ito sa kanyang record habang kumukuha siya ng police clearance sa Lipa City, Batangas.

Kaagad inaresto ng grupo ni SPO4 Joel Arellano, ng Lipa City Police-Warrant Section, si Marlon Guevarra, 25, ng Barangay Tambo, Lipa.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:40 ng umaga nitong Huwebes at kumukuha ng police clearance ang suspek nang lumabas sa e-warrant database na may kaso itong rape.

May warrant of arrest para kay Guevarra na inisyu ni Judge Noel Lindog ng Regional Trial Court (RTC) Branch 13, Lipa City na may petsang Marso 2, 2015.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Batay sa record, nangyari ang panghahalay sa Bgy. Tambo noong Abril 2014.

Lumabas pa sa record ng pulisya na ikasiyam si Guevarra sa most wanted persons sa Lipa. (Lyka Manalo)