May hawak na statistical data na nagpapakitang mahigit sa walong milyong mga Pilipino ang overworked, nanawagan si Senator Grace Poe ng pagsasagawa ng review sa labor policies sa bansa.

“Too much work will kill you,” sabi ng senador, nang ipasa niya ang Senate Resolution 316 na naglalayong magkaroon ng legislative inquiry sa mabilisang pagdami ng overworked na mga Pilipino nitong nakaraang 20 taon.

Sa resolusyon ni Poe, ang tinutukoy na overworked Filipinos ay “employed persons who worked for more than 48 hours a week.”

At sa pagpapahayag ng alarma na, “more Filipinos may be working their way into an early grave,” hangad ni Poe na alamin ng Senado ang mga ugat ng problema at bumuo ng panukalang batas kung paano ito masosolusyunan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binigyang-diin niya na nakasaad sa 1987 Constitution na ang “(workers) shall be entitled to... humane conditions of work.”

Sinabi niya na binabanggit din sa Presidential Decree no. 442 o ang Labor Code of the Philippines, na inamiyendahan, ang “just and humane conditions of work” sa deklarasyon nito ng state policy na magbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawa.

Sa resolusyon, binanggit ni Poe ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), batay sa ulat hinggil sa Decent Work in the Philippines, na umaabot sa 8.105 milyon ang overworked na mga Pilipino noong 2015 sa primary jobs.

Sinasabi niya na kinakatawan ng bilang na ito ang pagtaas ng 41.2 percent o karagdagang 2.363 milyon mula sa 5.742 milyong overworked Filipinos na naitalaga noong 1995.

Ang employed persons na may excessive hours of work per week sa lahat ng trabaho ay umabot sa 8.845 milyong noong 2015, mas mataas ng 4.5 percent o 378,000 mula sa 8.467 milyon noong 2005.

“Several studies have shown that excessive work hours could trigger serious health problems and even cause death.

Chronic overworking, as various research suggest, can lead to threatening levels of stress,” sabi ng senador.

Dahil dito, sinabi ni Poe na kinakailangan ang komprensibong rebyu sa company policies na kinakailangang magtrabaho ang mga empleyado ng mahahabang oras na lampas na sa nararapat.

Tahasang isinasaad sa isang artikulo sa British Medical Journal na “overwork can kill” batay sa maraming empirical at follow-up studies sa mga manggagawa sa iba’t ibang sektor. (Elena L. Aben)