Nasa 10,756 na trabaho ang alok ng PhilJobNet ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Base sa datos ng Bureau of Local Employment (BLE), may 2,086 na bakante para sa mga call center agent; customer service assistant, 776; service crew, 74; staff nurse, 674; production machine operator, 602; promo salesperson, 595; real estate salesman, 570; manufacturing laborer, 515; sales clerk, 513; at sales associate professional, 505.

Nangangailangan din umano ng non-formal education teacher, 449; cashier, 379; technical support staff, 377; door-to-door salesperson, 375; janitor, 310; telecommunication specialist, 297; beauty consultant, 260; salesman, 247; sugar production machine operator, 240; at mason (general), 240.

Kaugnay nito, hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang publiko na gamitin ang PhilJobNet sa mabilis na paghahanap ng trabaho. (Mina Navarro)

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte