Agad dinala ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng P5.5 milyon.

Ayon kina Customs deputy commissioner Ariel Nepomuceno at BoC x-ray inspection project (XIP) chief Major Jaybee Cometa, sa dalawang magkahiwalay na shipment nakumpiska ang mga nasabing shabu.

Sinabi ni Cometa na ang 10 gramo ng shabu na ibinalot at isinilid sa pakete ng Kopiko candies ay ibibiyahe patungong Qatar na nakapangalan sa isang Analyn Dionisio na ipinadala ni Randy Olivares ng Sta. Cruz, Maynila.

Habang ang 1.2 kilo ng shabu na sinabing “hair wigs” na dumating nitong Marso 2 mula Congo ay naharang na maipadala sa Tabunok, Talisay, Cebu Province.

National

Lone bettor panalo ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Ito ay inilagay sa isang itim na back pack na ibinalot sa packaging tape at sinamahan ng tunay na mga hair wig na ipadadala sana sa isang Joseph Amistad na mula kay Mbiko Madama Aminata. (Ariel Fernandez)