LIHIS sa nagbabanggaang pamilya, alipores, at kulay ng pulitika, ito ang mga katotohanang pamana ni Cory Aquino pagkatapos ng EDSA People Power at mapatalsik si Ferdinand Marcos:

1) Si Marcos ay nagdeklara ng martial law sa ilalim ng 1935 Constitution. Si Cory Aquino, mas matinding ‘Revolutionary Government.’ Binasura kara-karaka ang panunumpa ng tungkulin sa ilalim ng 1973 Constitution, sabay isinantabi ang Saligang Batas;

2) Nagpanday si Marcos ng 1973 Constitution habang si Cory ay ‘Freedom Constitution’ sunod ng 1987 Constitution; 3) Battle of Mendiola noong Enero 30, 1970 na may apat na nasawi at tinapatan ito ni Cory ng Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987 na may 13 namatay, at Hacienda Luisita Massacre;

4) Kinandado ni Marcos ang Senado/Kongreso habang winalis ni Cory ang Batasan Pambansa kahit may 60 Unido kontra Marcos; 5) May “Marcos Cronies” habang kay Cory ay may “Kamag-anak Incorporated”;

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

6) Dayaang halalang 1978, 1981 atbp at kay Cory ay “Dagdag/Bawas” 1987; 7) Pork Barrel noong panahon ni Marcos habang sa Pamahalaang Cory ay pinalawig ang CDF—Countrywide Development Fund sa Kongreso at Senado;

8) Tinuligsa ng rehimeng Marcos ang human rights at salvaging habang palpak ang human rights noong panahon ni Cory – 335 ang nawala mula noong 1986-1991, extrajudicial killings ay umabot sa 1,733, at ang mga napatay na mamamahayag ay 34, habang aabot sa 7,444 ang naaresto kahit walang warrant of arrest; 9) Presidential Decrees bilang batas habang Executive Order (EO) naman kay Cory;

10) Sinindak ang Korte Suprema na magdedeklara ng ‘Revolutionary Government’ kapag humukom kontra sa deklarasyon ng martial law at kay Cory naman ay idineklarang bakante lahat ng posisyon sa Korte Suprema, Court of Appeals, Comelec, pati na ang Office of the Prime Minister ng kanyang Bise Presidente na si Doy Laurel; 11) Ang Pambansang Budget na ginastos ni Marcos sa loob ng 21 taong panunungkulan ay P448 bilyon habang si Cory ay P1.6 trilyon sa loob ng anim na taong panunungkulan;

12) Kudeta ng RAM-1 habang napakaraming kudeta noong panahon ni Cory; 13) Mula 1972-1986 ay aabot sa 20,000 ang drug addict at noong panahon ni Cory ay nasa 480,000; 14) Noong panahon ni Marcos ang Gobiernong Kawani ay nasa 900,000 at kay Cory naman ay 1.6 milyong empleyado. (Erik Espina)