Si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Ricardo Visaya ang bagong administrator ng National Irrigation Administration (NIA) kapalit ng nagbitiw na si Peter Laviña.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol sa isang press conference.
Binanggit niya na personal choice ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinalaga naman bilang bagong deputy administrator si Engineer C’zar Sulaik, dating director sa CARAGA region.
(Rommel P. Tabbad)