Sinibak sa puwesto ang siyam na guwardiya sa Bureau of Immigration (BI) detention center sa Bicutan, Taguig City matapos matakasan ng dalawang Koreano nitong Lunes.

Pinagpapaliwanag ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga jailguard kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng administratibo at kriminal kaugnay sa nangyari.

Nakatakas sina Park Wang Yeol, 38, at Jung Jae Yul, 38, sa pamamagitan ng pagbabaklas sa kisame ng kanilang selda sa detention facility sa Camp Bagong Diwa. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter