Sinampahan ng 36 counts ng kasong graft sa Sandiganbayan si dating Palawan governor Joel Reyes at 13 pang opisyal ng lalawigan kaugnay sa P1.5 bilyong Malampaya fund scam noong 2008.

Bukod kay Reyes, ipinagharap din si dating provincial engineer Charlie Factor ng 50 counts ng graft, 7 counts ng paglabag sa contracts law, at 76 counts ng falsification of documents.

Batay sa Ombudsman, nag-ugat ang kasong falsification sa hindi malinaw na mga accomplishment report sa ilang proyekto na idineklara nilang 90-100 porsiyento nang tapos kahit na 8% pa lamang nito ang nagagawa. (Rommel Tabbad)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser