Mga Laro sa Huwebes

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- UST vs NU

4 n.h. -- Ateneo vs FEU

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

NAKABALIK sa winning track ang defending champion University of the Philippines matapos talunin ang Adamson, 2-1, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 football tournament sa Rizal Memorial Track and Football Stadium.

Isang goal ang ipinasok ni Ian Clariño sa second-half upang maiangat ang Maroons kontra Falcons.

Nauna rito, unang naka-goal para sa UP si Kyle Magdato sa ika-39 minuto bago naitabla ni Bless Brian Jumo II ang iskor sa pamamagitan ng isang header bago ang halftime.

Dahil sa panalo, nakabangon ang Maroons buhat sa natamong kabiguan na nasundan ng scoreless draw sa nakaraang dalawa nilang laro.

Mayroon na sila ngayong 14 puntos habang nanatiling nasa ilalim ang Falcons na mayroong tatlong puntos.

Sa women’s division, nagtala ang De La Salle ng 3-0 panalo kontra Ateneo upang makopo ang liderato sa natipong siyam na puntos.

Umiskor para sa Lady Archers sina Kyra Dimaandal (41st), Nicole Andaya (55th) at Irish Navaja (69th).

Nagwagi rin ang season host University of Santo Tomas,1-0, sa pamamagitan ng late goal ni Hazel Lustan.

Bunga nito,nakatabla ang Tigresses sa Lady Eagles sa ikalawang posisyon na may tig-6 na puntos. (Marivic Awitan)