BAMBAN, Tarlac - Isang 18-anyos na lalaking high school student na pinaniniwalaang sawi sa pag-ibig ang napaulat na nagbigti sa Barangay Bangcu, Dapdap Resettlement Area sa Bamban, Tarlac, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni PO3 Febmier Azura ang nagpatiwakal na si Vladimier Mendoza, 18, Grade 11 Senior High School student, ng Dapdap, Bamban.

Ayon sa lolang si Jasmen Victoria, 51, kumain pa ng tanghalian ang kanyang apo bago pumasok sa silid hanggang magbigti roon.

Sa pagsisiyasat sa cell phone ng binata, nabasa roon ang isang text message nito ng pagpapaalam sa isang babae, na pinaniniwalaang sanhi ng pagpapatiwakal nito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog