Makalipas ang tatlong taong pagtatago, tuluyan nang nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela Police ang isang lalaki na umano’y No. 5 most wanted sa Romblon, makaraang mamataan sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa report ni SPO4 Donaldo Britana, head ng WSS, kay Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang naaresto na si Jonathan Rosas, 45, ng No. 32 A. Fernando Street, Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Una rito, nakipagtulungan ang mga tauhan ng Mindoro- Marinduque- Romblon- Palawan (MIMAROPA) Regional Police Office sa WSS bitbit ang warrant of arrest laban kay Rosas.

Nang makumpirma ng mga tauhan ni Britana ang kinaroroonan ng suspek, kaagad itong pinuntahan at inaresto at ipinadala sa Romblon upang harapin ang kanyang kaso.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Base sa record ng San Fernando Municipal Police Station sa Romblon, nahaharap si Rosas sa kasong frustrated murder matapos umano niyang saksakin ang kanyang kapitbahay noong 2014. (Orly L. Barcala)