Kalaboso ang dalawang katao nang mahuli sa aktong tinatangay ang basurahan sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kasong theft ang kinakaharap nina EC Delector, 25; at April Gonzales, 32, kapwa residente ng Happy Land, GK Compound, sa Tondo.

Sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 2:20 ng hapon naaresto ang mga suspek sa Vitas Street sa Tondo.

Nagpapatrulya umano si Barangay Kagawad Richard Favila, kasama ang mga barangay tanod na sina Adrian Santos at Gemorskie Saldana, sa nasabing lugar nang mapansing nawawala ang garbage drum ng kanilang barangay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ilang sandali ang lumipas ay namataan umano nila ang mga suspek na sakay ng isang pedicab at dala-dala ang asul na drum kaya sinita nila ito at inaresto. (Mary Ann Santiago)