Hindi na nagawa pang makapalag ng 18 katao matapos silang posasan ng mga awtoridad sa “One Time, Big Time” operation sa Barangay West Crame sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng San Juan City Police, dakong 9:30 ng gabi ikinasa ng kanilang mga tauhan ang operasyon sa ilang lugar sa Bgy. West Crame.

Kabilang sa mga naaresto ang pitong lumabag sa city ordinance na lima sa kanila ay nakahubad baro at dalawa naman ang umiinom ng alak sa pampublikong lugar.

Inaresto rin ng mga awtoridad ng 11 traffic violator na kinabibilangan ng isang rider na walang registration certificate, isang may expired na ordinance violation receipt ticket, isang driver na walang lisensiya, isang lumabag sa dress code, limang hindi sumunod sa traffic sign at dalawang rider na walang suot na helmet.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inihahanda na ng awtoridad ang mga kasong isasampa laban sa mga naaresto. (Mary Ann Santiago)