Shaun Livingston,Bradley Beal

Westbrook, umatake sa OKC; Durant, napinsala sa GSW.

OKLAHOMA CITY – Pinalawig ni Russell Westbrook ang season record sa triple-double sa naiskor na 43 puntos para sandigan ang Thunder sa 109-106 panalo kontra Utah Jazz nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Hataw din si Westbrook ng 11 rebound at 10 assist para sa ika-30 triple double na nagpatatag sa kampanya niyang para sa season MVP award. Nakamit ng Oklahoma City ang ikatlong sunod na panalo at ika-35 sa 60 laro.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nag-ambag si Doug McDermott ng 16 puntos mula sa bench, habang tumipa si Enes Kanter ng 15 puntos at siyam na rebound.

Naputol ang winning streak ng Jazz sa tatlo para sa ika-23 kabiguan sa 60 laro. Nanguna si Gordon Hayward sa nakubrang 19 puntos at tumipa si Rodney Hood ng 18 puntos.

WIZARDS 112, WARRIORS 108

Sa Washington, DC, sinamantala ng Wizards ang pagkawala ni Kevin Durant sa injury para maungusan ang Golden State Warriors.

Naisalpak ni Otto Porter ang dalawang free throw mula sa foul ni Stephen Curry, at sinundan ng dalawa pang free throw ni Markieff Morris mula sa foul ni Draymond Green para sa final count.

Matikas ang simula ng Wizards at ang maagang pagkawala ni Durant ang naging dahilan para maitarak nila ang 19 puntos na bentahe.

Ngunt, nakabawi ang Warriors, sa 36-24 a third period.

Nagsalansan si Bradley Beal ng 25 puntos mula sa 8-of-17 shooting, habang kumana si Morris ng 22 puntos.

Nanguna si Steph Curry sa naiskor na 25 puntos, habang nag-ambag si Klay Thompson ng 16 puntos.

NUGGETS 125, BULLS 107

Sa Chicago, pinatahimik ng Denver Nuggets sa pangunguna ni Nikola Jokic sa naiskor na 19 puntos, 16 rebound at 10 assist, ang home crowd nang pataubin ang Bulls.

Ito ang ikaapat na career triple-double ni Jokic ngayong season para sa Denver –ikaapat na highest scoring team sa NBA na may averaged 110.6 puntos kada laro.

Nag-ambag sina Danilo Gallinari at Wilson Chandler ng 22 at 20 puntos, ayon sa pgkakasunod para putulin ang four-game winning streak ng Chicago.

Kumana sina Dwyane Wade at Rajon Rondo ng tig-19 puntos para sa Bulls.

GRIZZLIES 130, SUNS 112

Sa FedEx Forum, naisalba ng Memphis Grizzlies ang matikas na ratsada ng Phoenix Suns sa final period para malusutan ang dikitang laban.

Napatalsik sa laro si Grizzlies veteran Vince Carter dahil sa dalawang technical foul na nag-ugat sa pagkakasiko niya kay Suns point guard Devin Booker sa first quarter.

Hataw si Mike Conley sa naiskor na 29 puntos, habang humugot si Mark Gasol ng 28 puntos at may 23 puntos si Zach Randolph.

Nanguna si Eric Bledsoe sa Suns sa natipang 20 puntos.