Kasong administratibo ang isinampa kahapon ng anti-graft group laban sa pitong opisyal ng Philippine Racing Commission (Philracom) dahil sa pagkabigong matuldukan ang online cockfighting o e-sabong sa off-track betting (OTB) stations na sumisira sa horseracing industry.

Sa 14 na pahinang reklamo, inakusahan ng Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) ang mga opisyal ng Philracom sa pagkabigong maprotektahan ang horseracing industry na paglabag sa Republic Act No. 3019 o anti-graft law.

Kinilala ang pitong kinasuhan na sina Philracom Chairman na si Andrew Sanchez, Commissioners Bienvenido Niles, Jr., Wilfredo De Ungria, Victor Tantoco, Jose Gutierrez Santillan Jr., Lyndon Noel Guce, at Ramon Bagatsing, Jr.

“The allowance of online sabong in OTBs negated the growth of horseracing and prevented the full exploitation of the sport as a source of revenue,” ayon kay ATM Chairman Leon Peralta. (Jun Fabon)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists