JOSEPH MARCO copy copy

ISA si Joseph Marco sa mga aktor na may magandang katawan na hinahangaan ng fans at pinagpapantasyahan ng mga babae’t bading. Ang sekreto sa kanyang maganda at malalaking muscles? Simple lang daw, tamang diet at regular exercise.

“I’ve been working out for like... siguro eight years na rin, so medyo sanay na rin talaga ako,” bungad ng aktor.

“Maintenance lang talaga. I work out regularly, I play basketball and most importantly, dapat talaga you watch what you eat kasi kahit na nagwo-work out ka nga pero pig out ka naman nang pig out, it’s not gonna work,” paalala niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nasubukan na ni Joseph na iitsa-puwera ang rice sa kanyang hapag-kainan.

“There was a time, at the age of 20, mga six years, wala akong kinaing rice. Pero ‘nung 2016, ‘yan ang naging New Year’s resolution ko na okay, I’m gonna eat rice. Pero ngayon, I’m eating rice pero balanced pa rin. Hindi ‘yung sobra-sobra.”

Noong strictly no-rice diet siya, ang naging alternatibong source of carbohydrates niya ay potato balls, wheat bread at pasta.

Bakit hindi niya natiis na ibalik ang kanin sa diet niya?

“Siguro I just want to change na parang medyo na-bore na ako. Kasi may mga times na nag-Spain ako, hindi ako kumakain ng paella just because... parang I’m depriving myself. So, sabi ko, tama na, kaya naman balansehin. I don’t have to completely shut off ‘yung rice sa buhay ko,” ani Joseph. (Ador Saluta)