Nagbigay ng mga kondisyon si Pangulong Duterte para sa Philippine National Police (PNP) upang muli nitong magampanan ang tungkulin sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Sinabi ito ng Presidente nang ihayag niya na ang drug activities sa bansa ay bumabalik na naman at iniulat na umakyat sa 20 porsiyento simula nang tumigil sa drug operations ang PNP.

Ayon kay Duterte, maaari siyang pumayag na bumalik ang PNP sa anti-drug operations kung magiging matagumpay sila sa kanilang gagawin.

Idinagdag niya na ang PNP ay kinakailangang mas maging matapat, mahusay, at higit sa lahat ay hindi corrupt upang maibalik ang Oplan Tokhang ng organisasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The standard is (PNP) must be honest, efficient, must not be corrupt so everything will be in order,” sabi niya sa isang ambush interview sa Malacañang kahapon.

Sinuspinde ni Duterte ang PNP at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpapatupad ng batas laban sa droga at pagsasagawa ng drug operations noong Enero matapos ang pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo ng mga miyembro ng naturang mga organisasyon. (Argyll Cyrus B. Geducos)