Tila isang karneng kinatay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng isang pintor na una niyang sinuway sa panggugulo sa lamay na kanilang pinuntahan sa San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa ng hatinggabi.

Nagtamo ng mga saksak sa katawan si Harley Bien Bailey, 28, ng 2377 Int. 12, Pasig Line Street, Sta. Ana, Maynila habang nakatakas naman ang suspek na si Felipe Amantillo, alyas “Jonjon”, ng 1866 Int. B A. Francisco St., Sta. Ana.

Sa ulat ni Police Supt. Jerry Corpuz, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 6, kapwa nakipaglamay sina Bailey at Amantillo sa Oro-B St., San Andres Bukid.

Bago ang pananaksak ay naglalaro ng cara y cruz si Amantillo nang masangkot sa mainitang pagtatalo sa isang kapustahan na kalaunan ay naawat din.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, kinausap umano ni Bailey si Amantillo na mag-ingat upang hindi masangkot sa anumang gulo na bagay na minasama ng huli kaya nauwi sa suntukan hanggang sa pinagsasaksak na ng suspek ang biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang awtoridad para sa ikadarakip ni Amantillo. (Mary Ann Santiago)