Matapos suntukin sa mukha, ginilitan pa ang isang dalaga ng hindi pa nakikilalang lalaki na kanyang nakasalubong habang naglalakad sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas si Lariz Mae Morales, 18, ng Sta. Rita Street, Tondo, Maynila, dahil sa tinamong sugat sa ilong at saksak sa leeg.

Tinutugis naman ng awtoridad ang suspek na mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen.

Sa imbestigasyon ni PO3 Tom Jay Fallar, ng Manila Police District (MPD)-Station 2, dakong 8:00 ng gabi nangyari ang krimen sa Sto. Cristo Street, malapit sa kanto ng Asuncion Street, sa Tondo.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Naglalakad umano si Morales sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek na nagmula sa madilim na lugar at sinuntok at ginilitan ang biktima.

Nang makitang duguan si Morales ay tumakbo papalayo ang suspek habang humingi ng tulong sa barangay hall ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Mary Ann Santiago)