Ipinagharap ng kasong illegal recruitment at estafa ang isang ginang na naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos salakayin ang pinagtataguan nito sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Chief Insp. Wilfredo Sy, hepe ng CIDG-National Capital Region, isinailalim sa Oplan Pagtugis si Desiree San Pedro, 40, ng Barangay Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija, sa bisa ng arrest warrant para sa large scale illegal recruitment.

Dinakip si San Pedro batay sa reklamo ng umano’y nabiktima niyang sina Ariel Pajares, Arvy Flores at Ludigario Lanada.

Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila ni San Pedro na magtatrabaho bilang mga factory worker sa Malaysia noong Hunyo 19, 2010, matapos silang magbayad dito ng P25,000 bawat isa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasa mahigit 100 katao ang umano’y pinangakuan ng suspek na makakapag-hanapbuhay sa ibang bansa matapos magbigay ng kaparehong halaga ng placement fee.

Bukod sa kinahaharap na large scale illegal recruitment, kinasuhan din si San Pedro ng estafa ng mga huling nabiktima niya sa Nueva Ecija. (Fer Taboy)