George copy

PARIS (AP) — Ginamit ni George Clooney ang entablado ng 42nd Cesar awards, ang kinikilalang katumbas ng Oscars sa France, upang batikusin si U.S. President Donald Trump, nang hindi binabanggit ang pangalan nito.

Sa pagtanggap ng kanyang honorary Cesar nitong Biyernes, sinabi ni George na ang “citizens of the world” ay kailangang puspusang magtrabaho “harder and harder not to let hate win.”

Sinabi niya na “the actions of this president have caused alarm and dismay amongst our allies and given considerable comfort to our enemies.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang pagkakamali, aniya, “is not really his” dahil umiiral na ang takot bago pa man umupo sa posisyon si Trump. “He merely exploited it, and rather successfully.”

Idinaan niya sa patawa ang kanyang batikos, na sinabayan ng French 2012 best actor Oscar winner na si Jean Dujardin ng nakakatawa ring translation, at nagdagdag ng sariling pahaging na: “Donald Trump is a danger for the world.”