PINATAOB ng Far Eastern University-Diliman ang National University, 81-73, para makopo ang kampeonato sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament nitong Biyernes sa Filoil Flying V Centre.

Sa kabila ng maagang foul trouble ni guard LJ Gonzales, matikas na umayuda ang Baby Tamaraws para maigupo ang Bullpups.

“Nahirapan kami nung na-foul trouble si LJ. Walang nagpe-penetrate sa amin sa play at maganda ang ginawa ng NU,” pahayag ni FEU-Diliman coach Allan Albano.

Ngunit nang makabalik si Gonzales rumatsada ang Baby Tamaraws at naagaw ang kalamangan papasok sa final period, 51-50 .

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Mabuti at nakabawi siya,” ayon pa kay Albano patungkol kay Gonzales, nahirang na Finals MVP.

Nakalamang pa sa huling pagkakataon ang Bullpups, 63-60 matapos ang basket ni Karl Peñano bago pinangunahan ni Gonzales ang 15-4 blast ng Baby Tamaraws upang ilayo ang iskor sa 75-67 patungo sa huling dalawang minuto.

Nagtapos si Gonzales na may 12 puntos, anim na assist at tatlong rebound, habang kumana si Kenji Roman ng 18 puntos at 15 rebound.

Iskor:

FEU (81) - Roman 18, Abarrientos 13, Gonzales 12, Gabane 10, Gloria 9, Jabel 5, Celzo 5, Torres 3, Sapinit 2, Baclay 2, Ro. Alforque 2, Ra. Alforque 0, Bieren 0, Sevilla 0.

NU (73) - Clemente 26, Peñano 10, Amsali 7, Manalang 7, Tolentino 6, Sarip 5, Malonzo 4, Coyoca 3, Callejo 3, Atienza 2, Dela Cruz 0, Fortea 0.

Quarterscores: 15-26, 30-34, 51-50, 81-73