BATANGAS CITY - Nasa 300 bahay sa Isla Verde sa Batangas City ang inaasahang mapapailawan sa pamamagitan ng solar electrification sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay Marie Lualhati, ng Public Information Office (PIO) ng pamahalaang lungsod, napagkasunduan nina Batangas City Rep. Marvey Mariño, Mayor Beverley Dimacuha at ng United States Agency for International Development (USAID) na unahing pailawan ang Barangay San Agapito sa anim na barangay sa isla dahil ito ang may pinakamalaking populasyon.

Kasama rin sa pulong at magiging bahagi ng proyekto ang Sunpower Philippines Manufacturing Limited, Meralco Batangas Business Center, San Agapito Chairman Edmar Rieta at Ruel Cueto, ang nagbigay ng lupang pagtatayuan ng solar plant.

(Lyka Manalo)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente