HATAW ang Café France sa krusyal na sandali para magapi ang Victoria Sports-MLQU, 95-84, nitong Huwebes sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakopo ng Bakers ang ikaapat na sunod na panalo para patatagin ang kapit sa No.2 sa team standing (5-1), habang sadsad ang Victoria sa 1-5.

Nanguna si Rod Ebondo sa Bakers sa naiskor na 27 puntos, 18 rebound, dalawang assist at limang block. Nag-ambag si Paul Desiderio ng 20 puntos, habang tumipa si Aaron Jeruta ng 11 marker para sa Bakers.

Naghabol ang Bakers sa 14 puntos na pagkakaiwan sa halftime at matikas na ibinaba ang 38 puntos simula sa third period para maagaw ang 70-61 bentahe sa final quarter.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“Malas kami in breaking the zone but we focused on defense in the second half,” sambit ni Cafe France coach Egay Macaraya.

Nanguna si Robbie Herndon sa Victoria sa natipang 20 puntos.

Samantala, nakasosyo ang Cignal-San Beda sa Café France nang pataubin ang Tanduay, 85-71, sa ikalawang laro.

Iskor:

Café France 95 - Ebondo 27, Desiderio 20, Jeruta 11, Faundo 10, Guinitaran 10, Manlangit 8, Calisaan 7, Aquino 2, Arim 0, Casino 0, Gabriel 0, Veron 0, Wamar 0.

Victoria 84 - Herndon 20, Dionisio 14, Grimaldo 11, Sorela 10, Nicholls 8, Koga 6, Ayonayon 5; Bitoon 4, Lao 4, Ragasa 2, Mag-isa 0.

Quarterscores: 17-21; 32-44; 70-61; 95-84.