CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Kusang sumuko sa militar nitong Huwebes ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA), sinabi kahapon ng Philippine Army.

Kinilala ni Captain Joash Pramis, public affairs officer ng 9th Infantry Division ng Army na nakabase sa Pili, Camarines Sur, ang mga sumukong rebelde na sina Jason, 35; Aris, 33; Bunso, 29; Pogs, 30; at ang 18-anyos na amasonang si Gina.

Ayon kay Pramis, boluntaryong sumuko ang mga rebelde sa tropa ng 2nd Infantry Division sa Barangay Bacolod sa Milagros, Masbate, bandang 1:30 ng hapon nitong Huwebes.

Isinuko rin ng mga rebelde ang isang M14 rifle, isang M16 rifle, isang M1 Carbine, isang .45 caliber pistol, at isang .38 caliber revolver.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Sinabi ng mga sumukong NPA na gusto na nilang makapiling ang kanilang pamilya at mamuhay nang mapayapa bilang isang ordinaryong Pilipino,” sabi ni Pramis.

Dagdag pa ni Pramis, inihahanda na ng gobyerno ang ipagkakaloob na ayudang pinansiyal at kabuhayan sa limang rebelde, alinsunod sa Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno. (Niño N. Luces at Ruel Saldico)