UMATRAS si IBF No. 7 at WBC 9 featherweight Jorge Lara ng Mexico sa laban kay dating Philippine super bantamweight champion Jhon Gemino at sa halip ay sasabak na lamang sa walang talong si Mongolian No. 1 featherweight Tugstsogt Nyambayar sa Linggo sa Legacy Arena, Birmingham, Alabama sa Amerika.

May ulat na natakot si Lara kay Gemino na nagpasikat sa kanyang dalawang huling laban nang patulugin ang world class boxers mula sa South Africa at United States.

Unang pinatulog ni Gemino sa 7th round si South African at WBO International super bantamweight titlist Toto Helebe noong Agosto 5, 2016 sa Gauteng, South Africa bago pinalasap ng unang pagkatalo si world rated Toka Kahn Clary ng Liberia via 1st round knockout noong nakaraang Setyembre 23 sa Kissimmee, Florida.

Bago ito, tatlong beses siyang sunod-sunod na natalo sa Mexico kina dating WBC Silver super bantamweight titlist Andrez Gutierrez (UD 10), ex-WBO super flyweight champion Daniel Rosas (KO 8) at ex-IBF super flyweight titleholder Juan Carlos Sanchez (UD 10) mula Hulyo 2015 hanggang Enero 2015.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magsisilbing undercard ang 8-round bout nina Gemino at Nyambayar sa pagdedepensa ng korona ni undefeated WBC heavyweight champion Deontay Wilder laban sa wala ring talo at No. 8 contender Gerald Washington. (Gilbert Espeña)