KUALA LUMPUR (Reuters) – Ang mabagsik na chemical weapon na VX nerve agent ang ginamit para patayin ang half-brother ni North Korean leader Kim Jong Un, sinabi ng Malaysian police kahapon, batay sa preliminary report.

Namatay si Kim Jong Nam matapos atakehin sa Kuala Lumpur International Airport noong Lunes habang naghihintay ng kanyang biyahe patungong Macau. Ayon kay Malaysian police chief Khalid Abu Bakar, may presensiya ng VX sa mata at mukha ni Kim. Ang VX nerve agent, o S-2 Diisoprophylaminoethyl methylphosphonothiolate, ay isang chemical weapon na itinuturing bilang weapon of mass destruction ng United Nations.

Ang VX ay walang lasa at wala ring kulay, at ipinagbabawal sa ilalim ng Chemical Weapons Convention, maliban sa “research, medical or pharmaceutical purposes”. Maaari itong maging liquid, cream o aerosol. Kapag pumasok ang marami nito sa balat, maaari itong ikamatay sa loob ng 15 minuto, ayon sa Edgewood Chemical Biological Center ng U.S. Army, kaya’t ito ang pinakamabagsik na nerve agent sa mundo.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo