psi copy

TAGUM CITY, Davao del Norte – Siksik, liglig at umaapaw na kaalaman ang natutunan ng mga kalahok sa tatlong araw na Philippine Sports Institute (PSI) Sports Mapping Action Research Talent Identification (Smart ID) Train the Trainers Program Mindanao Leg nitong weekend sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex dito.

Iginiit ni Marlene Orfrecio ng Kabacan, North Cotabato na lubos ang pasasalamat niya sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa paglikha ng PSI para maipamulat sa tulad niyang walang kakayahang magbayad para sa pribadong sports seminar ang tunay na kahalagahan ng talent identification program para masiguro ang tagumpay ng atleta sa partikular na sports.

“Through the Smart ID, mas may chance ang mga bata ng Mindanao na madiscover at medevelop. I’m blessed to be among those chosen to be part of this grassroots program of the PSI,” sambit ni Orfrecio, kinatawan ng University of Southern Mindanao.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Yung ma-experience ko personally paano mag-conduct ng test during our practicum was really worth the time I spent for the training. It was really the highlight of the our training program,” aniya.

Kasama ang kapwa niya sports management practitioner, sinabi ni Orfrecio na dadalhin nila sa eskwelahan ang natutunan sa programa at magsasagawa ng Smart ID testing sa mga estudyante sa panahon na sapat na ang testing equipment sa Soccsksargen Region.

Ipinahayag naman ni Davao Region trainer Cresilda M. Calero ng Ateneo de Davao University na malaki ang potensyal na makakuha ng mga tamang atleta sa tamang sports na kanilang paglalagyan batay sa siyantipikong programa sa ilalim ng SMART ID.

“It was an enriching, motivating and satisfying program,” ayon kay Calero.

Iginiit ni Davao del Norte provincial sports coordinator Giovanni Gulanes na epktibong paraan ang talent identification para masiguro na nasa tamang sports ang atleta at angkop sa kanyang pangangatawan at kakayahan.

“Getting the right materials is best to start a good training program,” pahayag ni Gulanes.

Ang Davao del Norte ay isa sa 12 PSI regional training center sa bansa.

Magsasagawa rin ng parehong programa sa Visayas sa Marso 13-15, kasunod ang South Luzon (April 9-11) at North Luzon (May 7-9) leg.