Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang nahatulang pedophile na Amerikano, na wanted sa US Federal Bureau dahil sa patung-patong na kasong kriminal.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pugante na si Cody Dean Turner, 38, na dinakip nitong Pebrero 19 sa bahay nito sa Teresita Blvd. sa Barangay Tanza, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa kahilingan ng US Embassy, inaresto si Turner, na kanselado na ang pasaporte ay isasailalim sa summary deportation.

Nabatid na si Turner ay may mga outstanding arrest warrant mula sa judicial circuit court sa Greene County, Missouri, sa kabiguang sumipot sa mga paglilitis sa kanyang mga kasong unlawful use of a weapon, pagmamaneho nang may suspendidong lisensiya, probation violation for second degree assault, at kabiguang magparehistro bilang sex offender. (Mina Navarro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog