Sinabi ng Palasyo kahapon na ang ulat ng Amnesty International (AI) ng paninisi kay Pangulong Duterte at sa iba pang world leaders sa lumalalang kalagayan ng human rights ay hindi sumasalamin sa sentimiyento ng mga Pilipino.

Ito ang naging pahayag ng Malacañang makaraang sisihin ng AI, ang pandaigdigang tagapagbantay ng karapatang pantao, ang world leaders na tulad nina Duterte, US President Donald Trump, Hungarian Prime Minister Viktor Orban, at Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa paurong na kalagayan ng human rights sa buong mundo.

Inilarawan sa 408-pahinang annual report ng AI ang 2016 bilang “the year when the cynical use of ‘us vs. them’ narratives of blame, hate and fear took on a global prominence to a level not seen since the 1930s” nang lumakas ang kapangyarihan ng diktador na si Adolf Hitler.

Sinabi ng AI na ang mga naturang lider ay “wielding a toxic agenda that hounds, scapegoats and dehumanizes entire groups of people,” at idinagdag na “(there were) grave violations of human rights” sa 159 bansa nitong 2016.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The limits of what is acceptable have shifted. Politicians are shamelessly and actively legitimizing all sorts of hateful rhetoric and policies based on people’s identity: misogyny, racism and homophobia,” saad pa sa ulat.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang ulat ng AI ay malayo sa sentimiyento ng karamihan sa mga Pilipino.

“The President received an overwhelming mandate last election; and presently, more than 8 out of 10 Filipinos trust and are satisfied with the administration’s campaign against illegal drugs, and its handling of criminality, according to recent surveys,” saad sa text message ni Abella.

Idinagdag niya na nakapanghihinayang na hindi kinilala ng London-based group ang mga natamo ng administrasyon sa giyera laban sa illegal drugs. (Argyll Cyrus B. Geducos)