Nagsumite ng kani-kanilang leave of absence ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang “protesta” dahil sa hindi pagbabayad sa kanilang overtime at allowance.

Labis na naapektuhan kahapon ang mga pasahero sa ginawa ng mga immigration officer na nagresulta sa mahabang pila sa immigration counter na ikinainis ng daan-daang pasahero dahil iisa lamang ang immigration officer sa kada counter.

Bukod dito, naantala rin ang mga suweldo ng casual workers ngunit siniguro ng higher authorities na ginagawa ng lahat ng empleyado ang kanilang makakaya, at sinusubukang maresolba ang isyu.

Base sa text message ni NAIA Immigration Head for Operation Red Mariñas, pinagkalooban ang mga empleyado ng basic pay mula sa Department of Budget and Management (DBM) at inamin na ang “overtime (pay) has not been released by the DBM.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

(Ariel Fernandez at Bella Gamotea)