TANAUAN CITY, Batangas - Aabot sa P50 milyon ang halaga ng tinupok ng apoy sa isang scrap warehouse sa Tanauan City, Batangas, nitong Linggo.

Ayon sa report ni PO2 Reagan Umali, dakong 2:20 ng hapon nang marinig ng security guard na si Rogelio Nones ang pagsabog mula sa GNM Enterprises sa Zone 4, Barangay Natatas.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente, habang inaalam pa ang sanhi ng sunog sa establisimyento na pag-aari ni Paul John Menor. (Lyka Manalo)

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki