Laro ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- NU vs FEU (Jrs. Final)

LIYAMADO ang reigning champion National University kontra Far Eastern University-Diliman sa pagsisimula ng kanilang duwelo sa UAAP Season 79 juniors basketball championship sa San Juan Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ayaw magbigay ng anumang prediksiyon ni coach Jeff Napa sa tsansa ng kanyang Bullpups na makamit ang target na ika-apat na titulo sa loob ng anim na taon.

“I expect a very exciting game,” tanging nasabi ni Napa.

Ganap na 2:00 ng hapon ang salpukan ng dalawang koponan na mapapanood ng live sa S+A Channel 23.

Sa pagkawala ng dating league MVP na si Justine Baltazar, naging sandigan ng NU upang marating ang kampeonato sina John Lloyd Clemente, Rhayyan Amsali, Karl Peñano, Paul Manalang at Winderlich Coyuca. (Marivic Awitan)