Melbourne (REUTERS) – Patay ang limang katao noong Martes nang bumulusok ang eroplanong kanilang sinasakyan sa bubungan ng isang shopping mall sa Melbourne, ang ikalawang pinakamalaking lungsod ng Australia, ayon sa pulisya.

Nagkaproblema sa makina ang twin-turboprop Beechcraft King Air plane at bumulusok ito sa mall malapit sa dulo ng runway sa Essendon Airport, at sumabog.

“There were five people on the aeroplane and it looks like nobody’s survived the crash,” sinabi ni Victoria state police assistant commissioner Stephen Leane sa mamamahayag sa Melbourne.

Nangyari ang aksidente dakong 9 ng umaga halos isang oras bago ang nakatakdang pagbukas ng mall. Walang ibang nasaktan bukod sa mga sakay ng eroplano.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na