GANOON na lang ang pasasalamat ni Diego Loyzaga sa stepmom niyang si Sunshine Cruz at sa half sisters niyang mga anak ng aktres. Hindi raw siya iniwan ng mga ito at sinusuportahan siya nang husto.
“Sa totoo lang, eh, sinabihan na ako na huwag nang masyadong magbigay ng anumang statement tungkol sa tampuhan namin ng daddy ko, pero heto lang ‘yun. May mga broken family diyan, marami talagang ‘di buo ang pamilya, may isang parent na wala o hindi nakakabawi minsan ang isang magulang.
“It does not need to say na (ang) ideal family kailangan may dalawang magulang. Sa isang magulang pa lang, nagawa niya ‘yung trabaho na dapat gawin ng ama,” saad ni Diego.
“Kay Tita Sunshine, wala akong masasabi talaga. My tita and I have been through a lot since the years that we’ve known each other. I’m happy sa statement na ‘nilabas niya. Masaya ako na nasabi niya ang mga bagay na ‘yun,” ani Diego.
Touched din siya sa suporta sa kanya ng tatlong half-sisters niya.
“You know what, it’s an emotional thing na they’re my half sisters and there’s only so much time I got to see them.
But when I do have the time, gumagawa ako talaga ako ng oras at paraan para kitain ko sila.
“To see that they supported me after mga nangyari, touching talaga ‘yun na nakita ko kahit half-sisters ko sila,” seryosong banggit ng young actor.
Sa pinagdadaanan daw niya ngayon ay ang kanyang inang si Teresa Loyzaga ang pinaghugutan niya ng lakas at tapang.
“Siya ang talagang pinaghuhugutan ko. Siya ang tumatayong ama at ina ko. Wala akong masasabi sa mommy ko. Sobrang mahal na mahal ko siya at ganu’n din siya sa akin,” sabi ni Diego.
May sama ng loob pa ba siya sa kanyang amang si Cesar Montano?
“Hindi, mahal ko ang tatay ko,” maiksing tugon pa ni Diego.
So, puwede na ba nilang pag-usapan ang anumang tampuhan nila?
“Well, ilang taon na ‘yan ang hinihingi namin sa kanya, ‘yung mag-usap kami,” tugon niya.
Samantala, masaya na raw naman siya ngayon sa takbo ng kanyang showbiz career.
“I’m happy right now because I got to see mga mga kapwa artista ko, mga kaibigan ko dito sa industriya — si Mr. Johnny Manahan, mga boss ko. I’m naturally suprised na everbody greeted me when they saw me sa ASAP again. Lahat lumapit sa akin at kinumusta ako. Masaya ako ngayon,” may ngiting banggit pa rin ng actor. (JIMI ESCALA)