Rodjun copy copy

HINDI na napapanood si Rodjun Cruz sa Encantadia dahil inilipat siya sa Afternoon Prime na Legally Blind. Pero malaki ang pasasalamat niya sa fantaserye dahil sa role at karakter niyang si Pao Pao. Kahit saan siya magpunta ngayon, Pao Pao ang tawag sa kanya at hinahanap sa kanya ang ikalimang brilyante.

“Gustuhin ko mang manatili sa Encantadia, ang network pa rin ang masusunod kung saang show ako ilalagay na paniwala nila, mas magsa-shine ako. Masaya ako na isinama ako sa cast ng Legally Blind dahil magagaling din ang mga artistang kasama ko at mahusay na director si Direk Ricky (Davao), marami akong matututunan sa kanila.”

Hindi pa alam ni Rodjun kung may kissing scene sila ni Janine Gutierrez sa Legally Blind. Ang sigurado, may kissing scene sila ni Lauren Young at nakunan na ito.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Walang problema sa kani-kanyang partner ang kissing scene dahil alam niyang maiintindihan ng boyfriend ni Lauren at naiintindihan din ng girlfriend niyang si Dianne Medina. Sinasabihan pa nga siya nitong gawin niyang mabuti ang kanyang trabaho, kasama ang kissing scene.

Samantala, ngayong Monday pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, magsisimula na ang airing ng Legally Blind at handa nang ma-bash si Rodjun at matawag na a**hole boyfriend ng karakter ni Janine. Dahil ito sa bukod sa pinabayaan niya si Janine noong kailangan siya, syinota pa niya ang kapatid nito na ginagampanan ni Lauren Young. (Nitz Miralles)