MAGANDA ang ginawa ng Star Magic na pinagharap para mag-usap sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales para hindi na lumaki pa ang gulo dala ng kanilang breakup. Ang kuwento ng sources, nang makita ni Daniel si Erich, agad nilapitan ang aktres at niyakap, at saka sila nag-usap.

Pagkatapos mag-usap, kita ang pamumugto ng mga mata nina Erich at Daniel na halatang nagkaiyakan. Kinailangan ding ayusin ang conflict ng ex-couple dahil may show sila sa San Francisco, Califorina.

Dahil dito, hindi na yata mangyayari ang hinihintay ng publiko na ipinangako ni Erich na “I will tell all” kung bakit sila naghiwalay ni Daniel.

Nakatulong din para hindi na umingay pa ang isyu sa breakup nina Erich at Daniel ang pag-o-off ni Daniel sa comments section ng kanyang Instagram account. Wala nang nakikisawsaw sa isyu nila ni Erich na dapat lang namang sila lang ang nagsasalita at nakikialam.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaugnay nito, nagpasalamat si Erich kay Ms. Charo Santos-Concio sa ibinigay sa kanyang words of wisdom.

Sabi ni Erich: “This lady beside me shared so much wisdom to me today. You will always be my guiding star. Thank you for providing me the support and guidance when I most needed. I’m in awe of you, Ma’am Charo, you are one of a kind.”

(NITZ MIRALLES)