TARLAC CITY – Arestado ang isang 25-anyos na binata makaraang pagtangkaan umanong halayin ang nililigawan nitong dalaga sa Barangay Sepung Calzada sa Tarlac City, nitong Huwebes ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PO2 Janeth Galutan, ang muntik nang mahalay ay isang 18-anyos na tindera sa isang bakeshop sa Bgy. Sepung Calzada, habang ang suspek ay si Rainer Cruz, 25, binata, at residente sa lugar.

Ayon sa police report, natutulog ang biktima sa kanyang silid nang magising sa pangmomolestiya ng umano’y lasing noon na si Cruz.

Nanlaban ang dalaga hanggang makawala at kaagad na nakahingi ng tulong sa kanyang mga kaanak. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog