Itinanggi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga ulat ng mass resignation ng mga tauhan nito dahil sa umano’y anti-corruption campaign ni Commissioner Caesar R. Dulay.

“There is no such thing as mass resignation of officials and employees, but many are leaving because of the starvation wage,” sabi ng isang mataas na opisyal na humiling na huwag siyang pangalanan.

Ayon sa kanya, misquoted lamang ang BIR chief nang sabihin nito sa congressional hearing on tax reform bill na maraming revenuers, karamihan ay mga abogado at certified public accountants (CPA), ang nag-apply para sa retirement hindi dahil sa malupit na polisiya ng management, kundi dahil sa mababang suweldo.

Sinabi ni Dulay na batid niya ang mababang pasahod sa revenuers na nagsisimula sa P18,000 kada buwan para sa CPA at P27,000 para sa abogado. (Jun Ramirez)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!