NEW YORK (AP) – Nanatiling pinakamahalaga – batay sa inaakyat na revenue sa NBA – ang New York Knicks at Los Angeles Lakers, ngunit humahataw ang Golden State Warriors, ayon sa ulat ng respetadong Forbes.

Sa ulat ni Forbes senior editor Kurt Badenhausen, napanatili ng Knicks at Lakers ang katayuan sa kabila nang patuloy na pagkawindang ng kampanya sa nakalipas na dalawang season.

Nagkakahalaga ang average NBA team ng $1.36 bilyon at inaasahan ang pagtaas nito sa susunod na limang taon. Bunsod ito ng nilagdaang nine-year US$24 bilyon media deal sa ESPN at TNT na nagsimula ngayong season gayundin ang bagong collective bargaining agreement.

Sa ikalawang sunod na taon, nanatiling pinakamahalagang koponan ang Knicks na may halagang US$3.3 billyon, may 10 porsiyentong pagtaas sa nakalipas na taon, sa kabila ng malamyang kampanya sa nakalipas na mga season. Nakuha nila ito bunsod ng US$1 bilyon na pagsasaayos sa arena na humila sa mga bagong sponsorship at ang US$100 milyon local cable deal ng Garden.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, kahanga-hanga ang itinaas ng Golden State na kasalukuyang nasa No.3 mula sa dating No.6 tangan ang value na US$2.6 bilyon o pagtaas na 37%.

Inaasahang hahamunin ng Golden State ang Knicks at Lakers sa revenue department bunsod nang bagong Arena na itinatayo sa Mission Bay sa halagang US$1 bilyon. Inaasahang magbubukas ito sa 2019-20 season. Nakuha rin nila ang US$300 milyon na kontrata para sa ‘naming rights’ ng Chase.